top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | DISYEMBRE 13, 2018 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 13, 2018 (Huwebes): Hin­di ka dapat mabuhay sa mga negatibong pana­naw. Bawat umaga ay ma­ganda, kaya dapat lang na maging positibo ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang nag­tagumpay ka na. ‘Yun bang parang ha­wak mo na ang gusto mo sa buhay. Kapag ginawa mo ito, ang mga ambis­yon mo ay tiyak na matu­tupad. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-9-10-19-26-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka da­pat nagpapa­apekto sa mga taong sira na ang buhay. Tulad ng sakit, ito ay na­ka­hahawa rin. Mas ma­gan­dang iwasan at layuan mo na lang sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-21-23-39.

GEMINI (May 21- June 20) - Kahit hindi mo alam kung ano ang kahihi­nat­nan ng iyong mga plano, itu­loy mo lang ito. Huwag kang mag-alala, gaanuman ka­bigat ang mga pangya­ya­­ring iyong nararana­san, ma­lalagpasan mo pa rin ang mga ito. Masuwer­­teng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-4-19-20-27-41-44.

CANCER (June 21- July 22) - Hindi la­hat ng maka­pal at madilim na ulap ay pinagmu­mu­lan ng malakas na ulan. Ang iba sa mga ito ay hangin lang, kaya lilipas din ang iyong mga problema. Ma­suwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-29-30-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - La­kasan mo ang iyong loob da­hil lakas ng loob ang nakatatalo sa ka­duwagan. Bakit mo aatrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran? Harapin mo ito dahil mananalo ka. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-17-22-28-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Manghiram ka ng tapang sa malapit sa iyo na gumanda ang bu­hay dahil hindi ka takot na ma­kipagsapalaran. Kung ano ang kaya niya, kaya mo rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-21-28-36-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong ma­ga­gandang ka­tangian dahil ang mga ito ang sandata mo upang mag­karoon ka ng masa­ga­na at masayang buhay. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-11-16-24-29-30-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagdaratingan ang maga­gan­dang kapala­ran para sa iyo kahit pa hi­na­hadlangan ito ng iyong ne­gatibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-23-33-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Taas-baba ang galaw ng kapalaran mo, pero sa huli, mananatili ito sa itaas kaya huwag ka nang malungkot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-2-11-19-21-28-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa mga ta­ong matata­pang dahil sila ang mag­bibigay ng pag-asa sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-17-20-22.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan ng tao ang ma­teryal na ba­gay. Huwag kang makinig sa nagsasabing, ang mga materyal na bagay ay hin­di mahalaga. Ang totoo, ang mga ito ang magpa­pa­saya sa iyo. Masuwer­teng ku­lay-red. Tips sa lotto-19-20-24-25-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbababala ang kapala­ran mo na maaari kang malunod sa saya kung kailan makalilimutan mo ang kahalagahan ng pag­ha­handa para sa iyong ki­nabukasan. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-18-21-28-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page