3 estudyante tiklo sa droga

ARESTADO ang tatlong estudyante matapos maaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa Pineda Compound, Bgy. Ayuti, Lucban, Quezon.
Alas-12:45 ng hatinggabi nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa nagaganap na pot session sa lugar.
Agad nila itong tinungo kung saan bumulaga sa kanila ang aktuwal na pagsinghot ng marijuana ng mga suspek na sina alyas Mike, 17; Jun, 16, at Gary, 14.
Dinakip ang tatlo na pawang mga bangag sa droga.
Narekober sa kanila ang 2 sachets ng pinatuyong marijuana at mga drug paraphernalia. Inihahanda na ang paglipat ng tatlo sa pangangalaga ng DSWD.





Comments