26,000 riders walang kayod; lalabag, motor impound | ‘ANGKAS’ BAWAL

IPAGBABAWAL na ang pagbiyahe sa pangunahing mga lansangan sa Metro Manila ang transport network company na Angkas.
Kasunod ito ng pagkatig ng Korte Suprema sa hiling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makapag-operate pa ang naturang Transport Network Service Company (TNSC).
Sa ipinalabas na resolusyon ng Supreme Court, inaprubahan nito ang petisyon ng LTFRB na kumukuwestiyon sa unang desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) Branch 213.
Batay sa naunang desisyon ng Mandaluyong RTC, inaprubahan ang hiling ng may-ari ng Angkas na pagbawalan ang LTFRB sa paghuli sa kanila.
Gayunman, sa naging pasya ng SC, naglabas ito ng TRO na pipigil sa nasabing desisyon ng lower court at ibinalik ang kapangyarihan ng LTFRB na hulihin ang mga lalabag at i-impound ang kanilang motorsiklo.
Kasabay nito, inatasan ng SC ang Angkas na magsumite ng kanilang komento sa loob ng 10 araw.
Samantala, tinatayang nasa 26,000 Angkas riders ang mawawalan umano ng kayod dahil sa nasabing kautusan.





Comments