1,000 pinoy workers kailangan sa Israel

NILAGDAAN ang isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Israel kaugnay sa kanilang pangangailangan ng 1,000 Pinoy workers sa mga hotel sa naturang bansa.
Batay sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Tel-Aviv ang kasunduan ay pinirmahan nina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin.
Magbibigay-daan ito sa mga Pinoy worker na magtrabaho bilang cleaners sa mga hotel sa nasabing bansa.
Ani Ambassador to Israel Neal Imperial, ang 1,000 trabaho ay binuo sa pamamagitan ng kasunduan sa loob ng tatlong buwan matapos ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre.
Sa pagtaya ng Embahada ng Pilipinas, nasa 28,000 mga Pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho sa nasabing bansa.





Comments