top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Team Duterte, atras kay 'Jollibee'

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2018
2 min read

PRO-DUTERTE, KINUYOG NG PRO-JOLLIBEE—Dumis­tansiya ang Malacañang sa ibinulgar ni Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte na nagsanib-puwersa sina Jollibee, VP Leni Robredo, mga Obispo, taga-media, iba pang personalidad at ilang kumpanya sa “Oust Duterte Movement.”

Siguro, kung hindi isinama ni “Pulong” si Jollibee sa “Oust Duterte Movement”, baka pinag­mumura na ni P-Duterte ang mga isinangkot ng kanyang anak sa mga nagnanais magpatalsik sa kanya, pero dahil nakasa­ma si Jollibee, atras ang Duterte gov’t. sa isyung ito.

May punto ang Mala­cañang na dedmahin ang isyung ito kasi napagtanto nila na mas maraming tagasuporta si Jollibee kaysa kay P-Duterte at napatunayan ito nang walang nagawa ang mga pro-Duterte sa pagtatang­gol kay “Pulong” nang kuyugin sila sa social media ng sangkaterbang pro-Jollibee, boom!

◘◘◘

TROPANG GMA AT ANDAYA, ‘NATA­KAWAN’ SA PORK BARREL?—Sinabi ni House Majority Floor Leader Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na hindi raw sila dapat sisihin sa nabulgar na isiningit na pork barrel sa 2019 National Budget dahil ang nag-prepare raw nito ay ang nakaraang leadership sa Kongreso ni ex-Speaker Pantaleon Alvarez.

Kulang na lang sabihin ni Andaya na lahat silang miyembro ng super majority sa Kongreso ay “nataka­wan” sa mata­tanggap nilang naglalaki­hang pork barrel kaya hindi na ipinatanggal ni House Speaker Gloria Macapa­gal-Arroyo ang mga isiningit na “pork” ng grupo ni Alvarez sa 2019 National Budget, mga pwe!

◘◘◘

MAS LOVE NG MAYORYANG PINOY SI “BONG” KAYSA KINA MAR AT BAM —Sa nakaraang pre-election survey ng DZRH kahit nakakulong pa noon si ex-Sen. “Bong” Revilla ay pang-anim siya sa survey, pero ang dalawang dilawang pulitiko na sina Mar Roxas at Bam Aquino ay laglag dahil hindi sila pumasok sa Top 12.

Patunay ‘yan na mas love ng mayoryang Pinoy si Revilla kaysa sa yellow politicians.

Kaya ngayong laya na si Revilla at personal na siyang makikita ng mga botante sa pangangam­panya ay tiyak na lalong lalakas ang kanyang kandidatura, pero sina Mar at Bam, tila mas lamang ang talo nila kaysa panalo, abangan!

◘◘◘

BELMONTE, ISANG HALIMBAWA NG BALIMBING NA TRAPO — Noong pa­ngu­­lo pa si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay pro-GMA si Quezon City 4th Dist. Rep. Sonny Belmonte, nang maging pangulo si ex-P-Noy ay pro-Noynoy siya at ngayong si P-Duterte na ang pangulo ay pro-Duterte na siya.

Patunay ‘yan na isa si Belmonte sa mga balimbing na trapo (traditional politician) na 'ika nga kung saan may pakinabang, du’n sila, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page