Sey ng experts… PAG-EEHERSISYO NG MAY MENSTRUATION, GOOD SA MENTAL HEALTH!


WALA ka ba sa mood dahil sa sakit ng katawan o pagiging bloated tuwing may buwanang dalaw ka lalo na kung ang ininom mong gamot ay walang epek at napakamahal pa? Oks lang ‘yan, sis, dahil knows mo ba na ang pag-e-exercise habang may period ay nakagaganda ng mood? Wow!
Ayon sa mga eksperto, ang pag-eehersisyo ay nakapagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo sa pelvic area na nagiging dahilan ng pagbawas ng sakit ng balakang ng kababaihan.
Dagdag pa rito, nakagaganda rin ito ng mood, pero hindi porke sinabi ng mga eksperto na mag-ehersisyo, eh, ibig sabihin ay magdyi-gym na tayo, maraming alternatibong ehersisyo ang puwede nating gawin tulad ng paglalakad sa loob ng 30 hanggang 45 minuto, pagsu-swimming at pagyo-yoga. Ang mga nabanggit ay nakatutulong sa pagpapaganda sa mood ng kababaihang may dalaw.
Ipinaliwanag din ng mga eksperto kung bakit nagiging bloated ang mga kababaihan kapag palapit na ang kanilang buwanang dalaw o premenstrual stage. Ang cravings o paghahanap sa matatamis at maaalat na pagkain umano ang nagiging dahilan kung bakit mababa ang mood at enerhiya ng babae. Ngunit, kung siya ay mag-eehersisyo at pagpapawisan, nawawala ang pagka-bloated at gumaganda pa ang mood ng mga ito.
Kaya ang payo ng mga dalubhasa, galaw-galaw kapag mayroong menstruation, mga besh! Huwag ugaliing nakahiga sa kama o bine-baby ang sarili kung ayaw nating maranasang himatayin tulad ng iba riyan.
Gayundin, malaking abala ito para sa atin lalo na kung may pasok tayo sa eskuwela o opisina.
Oh, ayan, mga sis, kering-keri nang maiwasan ang pagiging moody sa tuwing may period tayo dahil exercise lang pala ang katapat nito.
Kaya kumilos tayo kapag may mens at huwag lang manatili sa isantabi dahil baka mas lalo tayong umiyak sa sakit ng ating puson.
Copy? Hi-hi-hi!





Comments