top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P1 milyong kontaminadong diesel, nasabat

Maeng Santos
Dec 12, 2018
1 min read

MAHIGIT sa P1 mil­yong halaga ng kontamina­dong diesel ang nasabat sa isinagawang operasyon sa Navotas City.

Unang nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng Nor­thern Police District Criminal In­vestigation and Detection Group hinggil sa umano’y talamak na oil smuggling sa lungsod kaya nagsagawa ang mga ito ng surveillance ope­ration.

Nang magpositibo, isina­gawa ng mga tauhan ng CIDG sa pangunguna ni Senior Insp. Jason Quijana ang operasyon na nagresulta sa pagkakasabat sa dalawang malalaking bangka na Island Brother 44-II, lulan ang 36,650 litro ng diesel na nasa P1,069,500 ang halaga sa karagatan na sakop ng North East Tangos.

Kinilala naman ni SPO4 Wyrlo Gatok ang arestadong 14 crews na sina Christofer Aquino, John Carlo Cariño, Jonard Umandan, Ariel Sal­vador, Luiz Olesco, Patrick Flores, Philip Dalisay, Al­fredo Baylon, Roderick Ri­potente, Anthony Mendez, Noel Gun-Gon, Luis Niñez, Nestor Zonio, at Allan Mau­ricio.

Ayon sa isa sa mga crew, nasa dalawang taon na ang kanilang operasyon at hindi nila alam na ito ay labag sa batas. Galing umano ang mga diesel sa Bataan at hindi nila alam kung saan ito napu­punta kapag kinukuha na sa kanila.

Ayon sa pulisya, masa­ma ang paggamit ng mga kontamidong diesel dahil posibleng makasira ito sa makina ng sasakyan.

Patuloy naman ang fol­low-up investigation para matukoy ang nasa likod ng sin­dikatong ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page