Misis na dehins na kaya ang kinahaharap na problema
Dear Roma,
Ayoko nang mabuhay, ‘yun ang palaging sumasagi sa isip ko kapag naaalala ko ang mga problemang kinahaharap ko ngayon. Ako si Lorna, 59 years old at may kumplikasyon sa kidney. Sa ngayon ay mag-isa na lang ako sa buhay dahil ang dalawang anak ko ay may kani-kanya nang pamilya, ang asawa ko naman ay namatay na, kaya nagtatampo ako sa mga anak ko dahil gusto na nilang mangibang-bansa. Gayunman, ang sabi nila sa akin, kukunin din nila ako kapag nandu’n na sila, kaya lang, hindi ko alam kung buhay pa ako nu’n dahil matanda na ako at may sakit na rin ako. Sana, matulungan ninyo ako kung ano ang dapat kong maging desisyon. Salamat! — Lorna
Lorna,
Alam mo, mamsh, mahirap talaga kapag matanda at nag-iisa na lang. Pero, paniguradong maganda ang hangarin ng mga anak mo kung bakit gusto nilang mag-abroad na lang. ‘Yun nga lang, may sakit ka na kaya iba na ang pananaw mo. Sa ngayon, ang maipapayo namin sa iyo, mag-open ka ng nararamdaman mo sa mga anak mo nang sa gayun ay magkaintindihan kayo at maiplano n’yo nang maayos kung ano ba ang dapat ninyong gawin. Palagi ninyong tatandaan na ang lahat ng problema ay natatapos kung pinag-uusapan nang maayos at may pagkakaunawaan. God bless your family!





Comments