Matapos magpiyansa | TRILLANES, BIYAHENG EUROPE

NAKALABAS na ng bansa kahapon ng umaga si Senador Antonio Trillanes IV at nagpunta sa The Netherlands sakay ng EVA Airlines Flight 262 matapos mamalagi ng isang oras sa Immigration authorities sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Kasama nito ang kanyang close-in security at private lawyer.
Napag-alaman na pupunta sa The Netherlands, Spain at UK si Trillanes mula Disyembre 11 hanggang Enero 12, 2019.
Pupunta rin ito sa Amerika sa Enero 27, 2019 hanggang Pebrero 10, 2019 bilang bahagi ng kanyang opisyal na duty.
Matatandaang, naglagak muna noong Lunes ng piyansang P96,000 ang senador para sa 4 counts ng libel na isinampa sa kanya ni Presidential Son Paolo Duterte.





Comments