top of page
Pokwang.jpg

Leksiyon sa ‘killer lambanog’

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2018
1 min read

TULUYAN nang ipinag-utos ng Food and Drug Adminis­tration (FDA) ang pagkumpiska sa mga lambanog na hindi rehis­trado sa ahensiya.

Sa pinakahuling datos, umabot na sa 21 ang namatay nga­yong taon dahil sa pag-inom ng lambanog dahil sa mataas na methanol content.

Sa nasabing bilang, 16 mula sa 44 na mga biktima ng pagkalason dahil sa pag-inom ng lambanog ang mula sa Bgy. Tambo, Capas, Tarlac kung saan 4 sa kanila ang agad na namatay matapos uminom ng lam­banog noong November 19.

Lima naman ang nalason sa Bgy. Pooc, Santa Rosa, Laguna kung saan 3 sa mga ito ang nasawi noong December 5. Apat naman ang naitala sa MHA Site 3, Bgy. Sto. Tomas, Calauan City, Laguna, 3 rin ang namatay.

Tatlong kaso naman sa Sitio Buhanginan Tagbak, Bgy. San Jose, Antipolo City, Rizal at Interior Bala St., Bgy. San Diego, Luisiana, Laguna kung saan nakapagtala ng tig-2 nasawi.

Gayundin, 10 kaso sa Novaliches, Quezon City, 4 ang patay habang 3 ang namatay dahil sa pag-inom ng lambanog sa Bgy. Sucol, Calamba City, Laguna. Sa rami ng mga nasawi, dapat talagang ma-monitor ang mga hindi rehistradong lambanog na nasa merkado.

Hindi lang lambanog, anumang produkto na hindi dumaan sa pagsusuri ng FDA na maaaring delikado sa kalusugan ay dapat nang suyurin.

Walang masama sa pagnenegosyo, maliit o malaki man ang puhunan pero dapat tayong maging responsable. Palagi nating isaalang-alang ang ka­pakanan ng mga mamimili.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page