top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

HOROSCOPE | DISYEMBRE 12, 2018 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEM­BRE 12, 2018 (Miyerkules): Itinakda ng langit na ma­uupo ka sa matataas na pu­westo. Mahalin at iyong pagmalasakitan ang mga nasa ibaba mo dahil sila ang iyong naging tuntu­ngan kaya ka nasa itaas.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Papaangat pa ang iyong ka­buhayan kahit nakararanas ka ng mga pagsubok sa buhay. Hu­wag kang aatras at ituloy mo ang iyong hangaring yumaman. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-17-23-25-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suman­dal ka sa alam mong hindi ka pababayaan. Huwag kang sumandal sa akala mong mabait sa iyo, kum­baga, kung sino ang ki­lala mo na, siya ang aala­lay sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-18-20-25-30-33.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang patatangay sa nanggugulo lang. Sila ang panay ang kontra sa iyo, pero ang bu­hay nila ay hindi rin na­man maayos. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-17-23-28-31-32-38.

CANCER (June 21- July 22) - Bawasan mo ang iyong pagiging emos­yunal. Mas magandang balanse lang ang damda­min at isipan. Sa ganito, makikita mo nang mali­naw ang magagandang oportunidad para sa iyo. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-16-17-26-38-41-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag kang ku­ku­rap! Ibig sa­bihin, hindi ka puwedeng masingitan ng kahit kaunting pag-aalin­langan. Ang payo ay nag­sa­sabing, palagi mong iisi­pin ang hirap na iyong pinag­daraanan. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lot­to-14-16-23-35-40-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Likas na ta­lino ang mag­da­dala sa iyo sa mataas na kalagayan. Ito ang wala sa iyong mga karibal at kakumpiten­siya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-18-25-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakagugulat ang iyong ka­palaran dahil ikaw ang napupusuan ng gustung-gustong magta­gumpay sa buhay na noon ay walang inspirasyon nang hindi ka pa niya na­kikilala. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-9-10-15-18-28-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumapit ka sa aral ng buhay na iyong natutunan sa mga araw na wala kang malapitan. Ito mismo ang magsisil­bing instrumento mo para lu­maki pa ang ipon mo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-19-27-39-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang araw mo! Ibig sabihin, puwede mong sabihin sa langit ang iyong malala­king kahilingan at kahit pa may pagkaimposible ay gagawan pa rin Niya ito ng pa­raan. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-22-25-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon na magdara­tingan ang re­galo sa iyo ng langit. At ang nakatutuwa kahit ta­pos na ang Pasko ay re­regaluhan ka pa rin ng taong malalapit sa iyo. Ito ang masayang balita ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-19-24-30-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Kung ang gusto mo ay ba­gong kapalaran, matutu­pad ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-16-27-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mapasa­saiyo. Kaya bago mo sa­bihin kung ano ang gusto mo, mag-isip ka muna ng mabuti. Baka matulad ka sa iba na sinabi ang gusto at pagkatapos ay nagsisi sa huli. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-4-11-19-24-27-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page