top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Comelec nagsalita na | Maagang pangangampanya ng mga kandidato para sa 2019 election, oks lang?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2018
  • 2 min read

SA isyu hinggil sa maagang pangangam­panya ng mga pulitikong tatakbo sa susunod na halalan, agad nagpaliwanag ang Com­mis­sion on Elections (Comelec) kung bakit hindi nila masita ang mga kandidato.

Sinabi ng Comelec, bagama’t, marami sa kanila ang naglalagay ng tarpaulins at bill­boards sa ilang mga kalsada, hindi pa umano sila maikokonsiderang kandidato para sa 2019 elections hangga’t hindi nailalabas ang pinal na listahan kaya kahit naghain na ang mga ito ng certificate of candidacy (COC), hindi raw nila puwedeng pagsabihan o sitahin ang mga ito.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, matatawag lang umano na kandi­dato ang mga tumatakbo kapag nailabas na sa Disyembre 15 ang final list ng mga kandidato para sa 2019 midterm elections.

Gayunman, hindi ba, dapat sila ang masu­sing nangangasiwa sa mga hidden agenda ng mga pulitiko, lalo na ngayong talamak na ang mga mandaraya at manloloko?

Sa nakikita kasi natin ngayon, imbes na sita­hin dahil hindi naman ito dapat gawin, parang sinusuportahan pa nila.

‘Yung hindi pa campaign period pero may advertisements, posters na sa mga bus at bill­board, ‘yung iba nasa front page pa ng mga diyaryo.

Kaya sa problemang ito, nais na­ting ka­lampagin ang Comelec na amyenda­han na ang batas na sumusuporta rito dahil kung tutuusin, masasabing premature cam­paigning ang ginagawa nila na hindi magan­dang ma­kasa­nayan ng mga tumatakbo, ang nakaka­pikon pa rito ‘yung iba, lantaran at gu­magamit pa ng pera. Tsk-tsk-tsk!

Mapapaisip ka tuloy, paano na kaya sa mismong eleksiyon? Hmmm…

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page