top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bagong raket ng mga karnaper, buking!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2018
2 min read

DAHIL sa sandamakmak na problemang kinahaharap ng mga Pinoy, tulad ng sobrang trapik, sa mga secondary road na dumaraan para maiwasan ang mga problemang ito ng mga kababayan natin, partikular na ng mga kalalakihan na motorsiklo na ang ginagamit.

Nakatanggap tayo ng reklamo mula sa naging biktima ng karnaping na ang bagong modus ng mga demonyong karnaper ay ang paggamit ng tricycle para mahila at makuha ang motorsiklo. Ayon sa biktima, ipinarada nito ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay nang gagamitin na nito ay nawalang parang bula kaya agad itong nagsadya sa himpilan ng MPD-Anti-Carnapping Unit upang ireklamo ang nangyari kaya agad bumuo ng crack team si Chief Inspector Salvador Tangdol, hepe ng Ancar para mahuli ang mga suspek. Napag-alamang hinila umano ito ng dalawang suspek mula sa Sampaloc, Manila hanggang Tondo kung saan sa isang linggong surveillance operation ng mga operatiba ng Ancar na sina PO3 Regan S. Arellano, PO1 Fidel Fajardo at PO2 Randy Santiago, nabawi ang motorsiklo na nasa pangangalaga ni Bgy. Tserman Roderick Simbiling na ayon sa kanya ay isinurender ng suspek na si Nelson dela Cruz na ayon sa mga testigo ay ipinalabas daw ng suspek na sira ito kaya hinila ng tricycle para ma­paniwala ang mga taong nakakakita na sa kanya ang motorsiklo pero, kinarnap ito sa may-ari nang malamang sandamakmak ang kinahaharap nito (dela cruz) sa kasong Violation of R. A. 10883 o New Anti-Carnapping Law of 2016.

‘Yan ngayon ang bagong modus ng mga karnaper na kunwari sira ang motor kaya hinihila pero, karnap na pala.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page