top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

9 yrs. old sex slave ni kuya

Jeff Tumbado
Dec 12, 2018
1 min read

DINAKIP ang isang 37-anyos na lalaki sa kasong panghahalay sa 9-anyos na babae na ampon ng kanyang ina sa Quezon.

Muntik pa umanong makatakas ang suspek na si Nilo Espares Cabalatungan dahil papasakay na ito ng bus patungong Maynila nang matimbog ng Quezon at Cavite Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit.

Kabilang din si Cabalatungan sa most wanted list ng Cavite at ngayon ay nahaharap sa 46 bilang ng rape.

Batay sa ulat, napag-alaman lamang ang ginawang pagsasamantala sa biktima nang mapansin na hindi pangkaraniwan ang ikinikilos ng bata na epekto umano ng naranasan niya sa kamay ni Cabalatungan.

Nabatid na may ilang taon nang inampon ang biktima ng mismong ina ng suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page