top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Trip lang daw | PARAK NAGPAPUTOK NG BARIL SA PISTA, KULONG

  • mylene alfonso
  • Dec 11, 2018
  • 1 min read

INARESTO ng mga nagalit na residente ang isang pulis-Makati matapos magpaputok ng baril habang nagkakasi­yahan sa kasagsagan ng pagdiriwang ng pista sa Sampaloc, Manila nitong Linggo.

Kinuyog ng mga resi­dente ang suspek na si PO1 Louiejo Badajos, naka­talaga sa Makati City Police, at residente ng naturang lugar saka binitbit sa Manila Police District-Police Station 4.

Alas-5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Bgy. 411.

Nakikipag-inuman umano ang pulis sa kanyang mga kaibigan nang bigla na lang itong magpaputok ng baril sa ere.

Depensa ng pulis, nagkatuwaan lang sila ng kainuman niya kaya nagawa niyang magpa­putok ng baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page