top of page
Pokwang.jpg

Rider utas, angkas sugatan sa trak

Pabs Hernandez III
Dec 11, 2018
1 min read

PANGASINAN—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng bumangga sa trak ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Aramal, San Fabian sa lalawigang ito.

Nakilala ang nasawi na si Ralph Dungan, samantalang, ang sugatan ay si Kobe Gabriel, kapwa residente sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Dungan habang angkas si Gabriel kaya bumangga sila sa trak na minamaneho naman ni John Dulay.

Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Dungan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page