top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pumalag sa rape | 61-ANYOS TINADTAD NG TRIKE DRIVER AT KASAMA

  • Paul Lamsen
  • Dec 11, 2018
  • 1 min read

ISANG lola ang gina­gamot sa ospital maka­raang pagsasaksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Dagupan City, Pangasi­nan.

Batay sa imbestigas­yon, bandang hapon nang maniningil ng pautang ang 61-anyos na lola at sumakay sa tricycle kung saan bukod sa driver ay may isa ring lalaking nakasakay sa likod.

Pagdating sa mala­bukid na lugar, inihinto ng drayber ang tricycle saka lumipat ang kasa­ma sa loob at tumabi sa biktima.

Hinipuan umano nito ang lola saka hinubaran habang may nakatutok na patalim sa leeg.

Nanlaban ang bik­tima kaya pinagsasaksak ng mga suspek.

Hanggang sa may dumaang sasakyan at nagawang makatakbo ng biktima.

Patuloy naman ang paghahanap sa mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page