top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P-Digong, napakagalante sa mga pulis at sundalo, dedma sa mga purdoy na mamang driver

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2018
2 min read

P-DUTERTE, GALANTE SA PNP AT AFP, WALANG PAKI­ALAM SA MA­HIRAP NA MGA PINOY—Binigyan ni P-Duterte ng mga ba­gong motor­siklo ang tatlong pulis na nag-top sa police riding course.

Napakagalante tala­ga ni P-Duterte sa mga armadong puwer­sa ng gobyerno kasi manta­kin n’yo, dinoble na ni­ya ang suweldo ng mga pulis at militar, binigyan ng tig-iisang personal na pag-aaring baril ang lahat ng parak at sun­dalo kahit may isyu ng armas sa kanila ang gob­yerno, trust fund sa mga anak ng mga mi­yem­bro ng PNP at AFP, pinagba­ba­kasyon-gran­de sa Hong Kong, may pra­mis pang relong Ro­lex tapos ngayon nami­mi­gay na ng motor­siklo.

Pero, sa mahihirap na tulad ng mga tsuper na nakiusap na huwag i-phaseout ang mga pam­pasaherong jeep dahil wala silang pang-down sa mga bagong e-jeep kasi mahirap lang sila, dedma ang pangulo. Hu-hu-hu!

◘◘◘

GOBYERNO AT KAPITALISTA, PAHIRAP SA PUB­LIKO TUWING PA­NAHON NG KAPAS­KU­HAN — Sa Lunes (Dec. 17, 2018), mag­ta­­taas na naman ng singil sa konsumo ng kuryente ang Meralco.

Ganu’n? Aba, pa­rang may sabwatan ang gobyerno at mga kapi­talista na bigyang-dusa ang mamamayan tu­wing panahon ng ka­pas­­ku­han.

Noon kasing Dec. 19, 2017 o anim na araw bago mag-Pasko, pinir­mahan ni P-Du­terte ang TRAIN Law na nag­pa­pahirap nga­yon sa ma­ma­mayan dahil ang dag­dag-tax na ito ang nag­pa­taas sa presyo ng mga bilihin tapos sa Lunes o walong araw bago mag-Pasko, mag­tataas ulit ng singil sa kur­yente ang Me­ralco, mga buwisit!

◘◘◘

SA TEMA NG SA­LITA NI P-DU­TERTE, PARANG KASUM­PA-SUMPA ANG MGA BAKLA — Ang sabi ni P-Duterte ay 90% daw ng mga pari ay bakla.

Ano kaya ang paki­ramdam ngayon ng mga baklang DDS (Du­terte Diehard Supporters)? Sa tema kasi ng sali­tang ito ni P-Duterte ay parang pinalalabas nitong kasumpa-sum­pa ang pagiging bakla, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

SA HOTEL NA ANG TAGPUAN NG MGA SMUGGLER AT ‘BUWAYA’ Sa BUREAU OF CUSTOMS?—Madalas daw nakikita sa ilang hotel sa Roxas Blvd. sa Maynila ang mga baba­eng smuggler na sina “Kimberly” at “Tina U” na may kausap na mga lalaking naka-barong.

Hindi kaya ang mga kausap nilang ito ay ang mga “buwayang” naka­barong sa Bureau of Customs? Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page