top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nalipasan ng gutom, 2 pinatay

  • Jeff Tumbado
  • Dec 11, 2018
  • 1 min read

KAPWA patay ang mag-asawa makara­ang hatawin ng tubo ng la­laking may di­perensiya uma­no sa pag-iisip sa Bogo, Cebu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Erlindo, 56, at Josie Marie Ortega, 36.

Base sa inisyal na im­bestigasyon ni PO3 Marvin Cortes, patungo umano sa isang programa ang mag-asawa nang bigla silang pag­hahampasin sa ulo ng tubo ng 44-anyos na suspek na si Ramil Pelayo.

Agad isinugod sa pa­gamutan ang mga biktima ngunit, idineklara silang dead-on-arrival.

Naaresto naman ang tu­makas na suspek sa isina­gawang follow-up operation at kalaunan ay inamin ang krimen.

Dahilan ng suspek, nali­pasan umano siya ng gutom kasabay pa ang nais na pag­ganti nito sa lalaking biktima na hinampas din umano siya, may ilang linggo na ang na­kalilipas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page