top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nagselos, binuhusan ng gas habang natutulog | MOMMY AT BEYBI NILITSON NI DADDY

Jeff Tumbado
Dec 11, 2018
1 min read

KAPWA nagtamo ng malaking pagka­lapnos sa balat ang isang 23-anyos na ina at kanyang tatlong taong gulang na anak matapos si­lang silaban habang natutulog sa kanilang bahay sa Silay City, Negros Occidental.

Patuloy na ginagamot sa ospital ang mag-ina na nag­tamo ng second degree burns.

Batay sa imbestigasyon, binuhusan sila ng gas saka sinindihan ng suspek na live-in partner at ama mismo ng mga biktima.

Ayon sa Women’s and Children’s Protection Desk ng Silay police, sadyang hin­di pinangalanan ang mag-ina at ang salarin sa hiling na rin ng kanilang kaanak.

Nitong madaling-araw ng Linggo nang maganap ang krimen sa bahay mismo ng mag-live-in partner kung saan, pagdating ng suspek ay agad binuhusan ng gas ang mag-ina na natutulog bago sinilaban ang mga ito.

Sinasabing matinding selos ang dahilan kaya na­gawa ng suspek ang krimen.

Posible rin umanong nasa impluwensiya ng iligal na droga ang lalaki.

Sa ngayon, nasa kusto­diya na ng pulisya ang sus­pek habang ang mag-ina ay patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page