Motor nabangga, nakaladkad | PULIS UTAS SA BUS

DEDO ang 27-anyos na pulis makaraang mabangga at makaladkad ng pampasaherong bus ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa MCU Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si PO1 Cristian Villanueva, nakatalaga sa Valenzuela City Police at residente ng Roxas Anda, Pangasinan.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng Commuters Bus na may conduction sticker RA-1577 na si Rey Trajada, 32, ng Bgy. San Vicente, Biñan, Laguna.
Ayon kay PO1 Hilbert Tumabcao, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng 11th Avenue sakay ng kanyang motorsiklo habang binabagtas naman ng bus ang B. Serrano St. patungong EDSA alas-10:10 ng umaga.
Pagsapit sa kanto ng B. Serrano Street at 11th Avenue, nabangga ng bus ang motorsiklo ng biktima at nakaladkad pa ng ilang metro.
Dinakip naman ng mga pulis si Trajada na nahaharap sa kaukulang kaso.





Comments