top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga “epalitiko”, nagkalat na | Mga proyekto ng DSWD, ginamit sa pangangampanya!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2018
  • 2 min read

KASUNOD ng report na natanggap ng Department of Social Welfare and Development hinggil sa ilang pulitiko na naglalagay ng mga tarpaulin at namimi­gay ng cash assistance sa ilang beneficia­ries ng DSWD programs, agad silang nagbabala sa mga local politician na hu­wag gamitin ang kanilang ahensiya para sa kani-kanyang hidden agenda.

Bukod sa hindi ito nakatutuwa, ito ang dahilan kaya may mga taong walang sariling desisyon pagdating ng botohan.

Gayunman, may natanggap din uma­nong report ang DSWD hinggil sa ilang kandidato na nagbabanta sa mga bene­ficiary na kung hindi sila ang iboboto sa midterm-elections sa susunod na taon ay maaari silang tanggalin sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Mukhang nakalimutan na yata ng ilan na may kani-kanya tayong desisyon para bumoto at hindi dapat ito sapilitan.

Maliban pa rito, sinabi ng DSWD na ipararating nila agad sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa Comelec ang mga pangyayaring ito nang sa gayun ay maimbestigahan na agad.

Samantala, ang panawagan natin sa lahat ng mamamayan, partikular na sa mga botante, huwag tayong pasisindak at matatakot sa mga “epalitiko” na ma­galing lang bago at habang isinasagawa ang halalan, pero kapag nakaupo na sa puwesto, hindi na magampanan ang tungkulin para sa bayan.

‘Yung mga ganitong klase ng mga kandidato, hindi dapat ibinoboto dahil bukod sa iligal na ang ginagawa, hindi pa patas kung lumaban.

Gayundin, palagi nating tatandaan na ang pagboto parang pag-ibig ‘yan, “price­less” kaya hindi dapat nabibili ng sinu­man.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page