Lolo dedbol sa aksidente
ISABELA—Isang 70-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak, kamakalawa sa Bgy. District 1, San Manuel sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Domingo Agustin, nakatira sa nasabing barangay, samantalang, ang driver ng trak ay si Danilo Lacar, residente ng Bgy. Poblacion, Cabugao, Apayao.
Nabatid na tumatawid umano sa kalsada si Agustin nang mabangga ito ng minamanehong trak ni Lacar.
Nakapiit na si Lacar na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments