Katauhan at panlabas na anyo ng iba, ‘wag gawing katawa-tawa!

MATAGAL na rin ang inyong lingkod sa serbisyo-publiko kaya alam natin na alam na ninyo ang istorya ng ating pagkaka-bash online.
Marahil, mayroong mga natawa, natuwa at napasabing “hindi nga?” sa mga memes na lumabas tungkol sa ating katauhan at panlabas na anyo. Tayo man ay nakaramdam na rin ng ganito.
Pero, never nating ikinalungkot ang mga ito. Bakit? Dahil alam natin ang totoo sa hindi. Sino ba ang mas nakakikilala sa atin kundi ang ating sarili at ang pinakamalapit sa atin tulad ng pamilya at kaibigan?
I’m proud of my family and my heritage, my dark skin, hindi ba, Pilipinung-Pilipino ito? Sana ay maging ganito ang pagtingin natin sa ating magandang kulay, operative word — maganda.
Huwag natin itong ikahiya dahil maging sa malalayong bansa na napakalamig at halos hindi madampian ng sinag ng araw ang mga balat ng mga dayuhan ay gusto nilang magpa-tan, suwerte tayo! It is high time we own our color — our identity.
Mula’t sapul, kulay ng inyong lingkod ang puntirya ng mga social media basher. Para sa atin, tanggap natin na mayroong mga taong hindi makukuntento sa iyo. Ngunit, ano ba ang nagagawa ng ganito sa iba?
Maraming negatibong epekto ang bashing. May mga nade-depress at nagsu-suicide dahil sa sobrang pressure to fit in, to be like everybody else at hindi healthy ang ganitong pamumuhay.
We cannot please everyone, ‘yan ang katotohanan and we must accept it. We must however cherish and focus on the things that matter to us the most at sana, ito ay ang pagmamahal ng ating pamilya at mga kaibigan.
Sa librong Make Love, Not War na aming collaboration ng ating online basher na si Senyora Santibañez, we give tips on how to survive bashing online.
And like I always say, hindi katapusan ng mundo ang pamba-bash sa inyo sa social media, alalahanin lang natin na naririyan ang pamilya at mga kaibigan nating tatanggapin tayo nang walang kondisyon.
May katanungan ka ba, reklamo o nais ihinging tulong? Sumulat sa SERBISYONG TUNAYni Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa serbisyongtunay.bulgar@gmail.com





Comments