top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | DISYEMBRE 11, 2018 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEM­BRE 11, 2018 (Martes): Itutok mo sa isang layu­nin ang iyong galing at husay. Kapag marami kang pinagkakaabala­han, wala kang marara­ting sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Sapat na ang lakas ng iyong loob para ha­rapin mo ang mga ba­gong pakikipagsapa­laran na ikauunlad ng iyong buhay. Hinding-hindi ka mabibigo, ikaw ay tiyak na yayaman. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-20-23-38-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isa-isa lang , huwag mong pagsa­bay-sabayin ang iyong mga hangarin sa buhay. Kapag marami kang gi­nagawa, hindi ka maka­popokus sa mga bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-18-24-29-30-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi mo ma­ku­ku­ha ang ma­laking proyekto kapag hindi buo ang iyong pla­no. Sa ngayon, ang bilis mo sa pagkilos ay hindi magandang gamitin para sa malaki at maselang hangarin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lot­to-1-17-21-28-31-35.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw. Sa buhay ng tao, ang nakuha sa pilit ay mabilis ding na­wawala. Isabuhay mo ang paghihintay at mag­hintay ka ng may positi­bong pa­nanaw. Masuwer­teng ku­lay-green. Tips sa lotto-7-10-13-33-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­kabubuti ang pagdududa sa motibo ng nag­papakita sa iyo ng ma­ganda. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang pagdu­duda ay negatibong ga­wain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-9-11-18-22-28-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kalabanin ang taong may pa­ngit na ugali dahil malaki ang posibilidad na maha­wahan ka niya, kaya mas maganda kung umiwas ka na lang sa kanya. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-24-27-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumating na ang takdang-araw para sa iyo upang magtanim. Ang dapat mong itanim ay ang magagandang pag-uugali. Kapag nagawa mo ito, makaaasa ka na aani ka ng kasaganahan at kaliga­yahan. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-7-21-24-28-31-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabilis na parang kid­lat na darapo sa iyo ang mga suwerte mo. Biglang darami ang iyong mga kaibigan at ang mga taong nais na ma­bahaginan mo sila ng ka­buhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-18-29-30-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ma­daling hana­pin ang suwerte. Madalas, ito ay pinaghihi­rapan tulad ng pagkuha sa nakabaong kayama­nan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-25-34-41-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka! Ang min­san nang nan­daya sa iyo ay muli kang dara­yain. Kaya mas ma­buting lumayo ka sa mga kilala mo na may masa­mang pag-uugali. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-15-28-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-a­alinlangan sa magagandang pagkaka­taon na nasa iyong hara­pan. Sunggaban mo ito at iyong yakapin. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-15-23-36-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itaya mo ang iyong kapala­an at mana­nalo ka. Sa mundo, ang bu­hay ay paki­kipagsa­pala­ran. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Ma­su­werteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-5-19-20-25-32-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page