Hindi nag-iisyu ng resibo 6 TINDAHAN IKINANDADO NG BIR

IKINANDADO ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasa anim na tindahan ng mga dekorasyong pamasko sa Dapitan Arcade at Suki Market sa Quezon City.
Kasunod ito ng ikinasang operasyon na ‘Oplan Kandado’ ng BIR, partikular na tinarget ang mga tindahang pag-aari ng isang Clarice Norma Maog.
Ayon kay Director Marina de Guzman, ito ay dahil sa hindi nag-iisyu ng resibo at hindi nagbabayad ng tamang buwis sa BIR ang mga tindahan.
Ang operasyon ay nag-ugat matapos magsagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ng naturang kawanihan.
Giit pa ni De Guzman, matagal na nilang pinadalhan ng notice ang may-ari para mabigyan ng babala ngunit, hindi sila umaksiyon.
Samantala, wala ang nabanggit na may-ari at sarado ang mga tindahan nito kaya itinuloy ng mga awtoridad ang pagkandado.





Comments