BOLICK, PARKS AT PEREZ, UNA SA PBA DRAFT APPLICANTS
- Alvin Olivar
- Dec 11, 2018
- 1 min read

UMABOT sa 48 ang nagsumite ng kanilang application sa 2018 PBA Rookie Draft na gagawin sa Disyembre 16 sa Robinson’s Place Manila.
Nangunguna sa listahan ng mga magpapa-draft sina CJ Perez ng Lyceum, Robert Bolick ng San Beda at Bobby Ray Parks ng San Miguel Alab Pilipinas. Humabol sa listahan sina Paul Desiderio at Diego Dario ng UP na nagsumite ng kanilang application matapos ang UAAP Season 81 finals makaraan na ilipat ang deadline mula sa Dis. 3 at sa Disyembre 10. Kabilang din sa mga magpapa-draft sina Trevis Jackson, Matt Salem, Bong Quinto, Robbie Manalang, Abu Tratter, JP Calvo, Michael Calisaan, Teytey Teodoro, Javee Mocon, at CJ Isit.





Comments