top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Biyuda na muling nakita ang dating nobyo pero nalilito kung babalikan ito

ROMA AMOR
Dec 11, 2018
1 min read

Dear Roma,

Ako si Marife, 49 na taong gulang at tatlong taon nang biyuda. Mayroon akong dalawang anak, pero may kani-kanya na silang pamilya. Nitong nakaraang bu­wan ay um-attend ako sa reunion namin noong high school at nakausap ko ang dati kong nobyo na ngayon ay biyudo na rin. Tinanong niya ako kung puwede raw ba niya akong maging nobya ulit? Sa totoo lang, siya ang first love ko at hindi ko maitatangging may nara­ramdaman pa ako para sa kanya kahit matagal na kaming hiwalay. Roma, ano ang dapat kong gawin? —Marife

Marife,

‘Ika nga nila, “first love never dies”, kaya kung pareho pa kayong may nararamdaman para sa isa’t isa, baka ito na ang tamang panahon para ituloy n‘yo ang naudlot ninyong love story. Ngunit, huwag ninyong kalilimutan na ipagdasal ang kaluluwa ng namayapa ninyong mga asawa at mangako sa kanila na hindi sila mawawala sa inyong mga alaala. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page