Bebot nagbigti sa boarding house
Pabs Hernandez III
Dec 11, 2018
1 min read
PAGADIAN CITY—Isang 18-anyos na dalaga ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti, kamakalawa sa loob ng inuupahan nitong boarding house sa Bgy. Balangasan District sa lungsod na ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Nabatid na ilang kaibigan ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng inuupahan nitong boarding house.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments