Sinita sa yosi | KELOT KULONG SA SHABU
- Mylene Alfonso
- Dec 10, 2018
- 1 min read
KALABOSO ang 52-anyos na lalaki na unang sinita dahil sa paglabag sa smoking ban subalit, nang kapkapan sa bulsa ay nakuhanan ng apat na bulto ng shabu sa Tondo, Manila.
Nakapiit ang suspek na si Albeza Pitallana, residente ng Tondo, Manila.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Robert Cris Castro, alas-10:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa isinagawang simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation, kasama ang Tactical Motorcycle Unit na sina PO1 Wilson Cruz, PO1 Jameson Orpilla, PO1 Jayson Ladrito at PO1 Jaypee Taguinod, nang makita ang suspek na naninigarilyo sa pampublikong lugar.
Dito nabisto ang apat na bulto ng shabu na nagkakahalagang P7,000 ang bawat isa na may kabuuang P28,000.





Comments