Sa P3.75 trillion National Budget | DBM SECRETARY, GIGISAHIN

NAKATAKDANG gisahin sa tinatawag na Question Hour bukas si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.
Kaugnay ito sa ilang mga paglilinaw na gustong malaman ng mga mambabatas mula kay Diokno tungkol sa panukalang P3.757 trillion na pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa House Resolution 158 na inihain ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez para obligahin ang kalihim na humarap sa pagtatanong ng mga kongresista.
Naipadala na ni Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando ‘Nonoy’ Andaya, Jr. ang liham kay Diokno na tumutukoy sa Section 22 ng Article VI ng 1987 Constitution na nag-aatas kay Diokno na humarap sa plenary session, alas-3:00 ng hapon para sa Question Hour ng mga miyembro ng House of Representatives.
Naipabatid na rin kay Diokno ang mga posibleng itanong sa kanya.





Comments