top of page
Pokwang.jpg

Karambola sa NLEX, 1 dedbol

Jeff Tumbado
Dec 10, 2018
1 min read

TODAS ang isang indibiduwal matapos ang karambola na kinasangkutan ng tatlong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX), kahapon ng umaga.

Batay sa impormasyon, naganap ang insidente sa northbound lane sa pagitan ng San Simon at San Fernando Exit sa NLEX.

Ayon kay Police Chief Inspector Louie Gonzaga, nakilala ang nasawi na si Estrella Callihan.

Sa inisyal na ulat, isang sasakyan ang umano’y biglang huminto sa harap ng isang dump truck dahilan para pumreno ang dump truck at mabangga ang nasa likurang mini-van.

Dito nagpaikut-ikot sa kalsada ang mini-van bago nito natumbok ang isang AUV na nasa kabilang linya.

Nagdulot ang naturang insidente ng pagsisikip sa daloy ng trapiko dahilan para isara ang overtake lane at buksan naman ang counter-flow lane.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page