GAME 3: NAKAISA ANG ALASKA SA HOTSHOTS
- BULGAR

- Dec 10, 2018
- 1 min read

NAKAISA ang Alaska Aces matapos nilang payukuin ang Magnolia Hotshots, 100-71 sa Game 3 ng 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) finals kagabi sa Ynares Center, Antipolo.
Tumikada si import Mike Harris ng 36 points at 18 rebounds upang tulungan ang Aces na makasagot ng panalo at ilista ang 1-2 serye sa kanilang best-of-seven battle. Hindi nawalan ng diskarte ang Alaska, matapos silang malamangan ng anim na puntos sa first period ay humarurot sila sa second quarter upang hawakan ang 14-point lead, 50-46 sa halftime.
Kinapitan ng Aces si Simon Enciso sa second upang hablutin ang 34-14 bentahe. Inalagaan ng Alaska ang kanilang lamang sa third upang manatiling nasa unahan papasok ng fourth period. Samantala, kinahon ng Hotshots ang Games 1 at 2 kaya nakalamang agad sila sa kanilang serye.
Subalit ayon kay Hotshots guard Paul Lee ay halos hindi nila maisip na lang sila dahil dalawang mahirap na panalo ang kanilang sinilo. “Hindi maramdaman ang lamang kasi napakahirap ng mga panalo namin at habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang laban,” saad ni Lee
Inamin ni Lee na pinakamahirap na laban nila ngayon dahil puro press daw ang kanilang ginagawa.
“Pinakamahirap na series na nilaro ko ito. Pareho kasing pume-press and so hindi ka pwedeng mag-relax, at talagang mahirap,” hayag ni Lee.
Sa Miyerkules ang sunod na banatan. magsisimula ang Game 4 sa alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum. (ATD)
Laro sa Miyerkules: (Araneta Coliseum)
7:00 p.m. - Alaska vs Magnolia





Comments