top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Reverse job fair’ para sa mga OFW, aprub!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2018
1 min read

KAPAG ganitong magpa-Pasko, mas lalong nakaka-miss ang mga kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Mainam lang din na hi-tech na ngayon, may gadgets at internet na malaki ang tulong pagdating sa ko­mu­nikasyon.

Pero, hindi maiaalis na may mga magulang, kapatid, asawa o anak na nagdarasal na sana, katabi sila at sana, hindi na lang sila nagtatra­baho sa malayo.

Ito ang isa sa mga dahilan kaya marami pa rin ang umaasa na magagawan ng paraan ng gobyerno na wala nang mga Pinoy na mapipilitang mag-abroad para kumita.

Maituturing na magandang balita itong inihahanda ng Depart­ment of Labor and Employment na “reverse job fair” para sa mga overseas Filipino worker.

Isang proyekto na naglalayong himukin ang mga kababayan nating nasa ibang bansa na rito na lang ulit magtrabaho.

Partikular na target ang mga nasa construction works para maka­tuwang ng gobyerno sa “Build Build Build Program”. Sa halip nga naman na mapunta sa ibang lahi, ibigay muna ang oportunidad sa mga Pilipino.

Kahit paunti-unti, makagawa sana tayo ng paraan na makauwi ang lahat ng manggagawang Pilipino, makasama ang pamilya at makapamuhay nang maginhawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page