top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Di kayang sabihin ng mga duwag at elitista, ibinulgar ni P-Duterte | Bayan Muna, Gabriela at Kilusa

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2018
3 min read

SA wakas, nagkaroon na tayo ng pangulong matapang na kayang sabihin ang katotohanan na hindi kayang sabihin ng mga duwag na media at ng mga elitista.

Kamakailan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, na isang grupo ng mga partylist ay kunwari lang daw na organisasyon na pampolitika pero, ang katotohanan ay “front” o kaalyado raw sila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Diretsahang sinabi ni P-Duterte na ang Bayan Muna, Gabriela at Kilusang Mayo Uno (mga party­list na may mga representante sa Kongreso) ay karesbak ng CPP-NPA na ang layunin daw ay pa­bagsakin sa pamamagitan ng dahas ang Republika ng Pilipinas.

Kapag nabuwag na nila ang lehitimong gobyerno, ang unang gagawin ng CPP-NPA at ng mga pekeng partylist ay ang magtayo ng “one-party dictator­ship” sa ating bansa. Ang partidong komunista ang siyang magdidikta ng lahat ng polisiya ng bansa.

Tatanggalin daw nito ang Office of the President, Senado, Kongreso, Korte Suprema at lahat ng ins­titusyon ng ating Republika.

Gayundin, mawa­wala na ang mga Simbahan at relihiyon.

Kukumpiskahin ng komunista ang lahat ng ari-arian ng mamamayan. Ang kalayaan at mga karapa­tan ay mawawala na rin umano sa ilalim ng pa­mumuno ng CPP-NPA.

Ang mga dilawang galit kay ex-P-Marcos at kinikilingan ang mga komunista, alam ba ninyong kayo ang unang titirahin ng mga ito kapag nakaagaw na sila ng kapangyarihan?

May rekord daw sila na kapag hindi sinusunod ay ipinapapatay nila. Napakahaba ng listahan ng mga dating kasama nila na ipinapatay dahil lang sa tingin nila ay nagtataksil.

Sabi ninyo, diktador si ex-P-Marcos? Tingnan natin kung magtatagal kayo kapag namuno na ang CPP-NPA, walang dini-Diyos ang mga ito.

Sa umpisa ng termino ni P-Duterte, sinabi nitong nais niyang matanggal ang partylist sa Kongreso.

Pero, ang nangyari ay nabigyan pa ng paraan ang mga komunista na makapasok sa Kongreso at makakuha ng milyun-milyon mula sa gobyerno sa pamamagitan ng mataas na suweldo ng mga kongresista at mga staff nila.

Tanga na lang ang hindi mag-iisip na may porsiyento ng kita ng mga partylist na komunista ay ibinibigay nila sa kanilang mga kaalyadong CPP-NPA.

Ilang porsiyento kaya ng suweldo ang ibinibi­gay nila sa NPA para makabili ng armas na pam­baril sa mga sundalo at pulis, ilang porsiyento kaya ang ibinibigay sa mga grupong militante kuno para magdaos ng mga rali at protesta laban sa gobyerno?

Pansinin ninyo ang mga rali ng mga komunista — ang gaganda ng mga placard, streamer at banner nila. Magastos ang mga ito, sino ang nagbayad sa mga gastos nila?

Communist front din daw ang mga partylist na Act Teachers, Anakpawis at Kabataan, na miyem­bro ng tinatawag na Makabayan bloc sa Kongreso. Dapat hindi “Makabayan” ang pangalan nila kundi “maka-komunista”.

Ang tawag ng CPP sa mga grupong tulad ng Ba­yan Muna at Act Teachers ay “mass organi­zations” na ang sentro ay ang “party group” kung saan kabilang ang tatlo o higit na mga kadre. Sa mga eskuwelahan, pabrika at kabundukan, ang tawag sa kanila ay party branch.

Ang “command cell” na ito ang nag-uutos kung ano ang gagawin ng mga miyembro at kung paano magre-recruit ng dagdag na tauhan.

Madalas, kabataan sa mga paaralan ang kani­lang nagogoyo dahil may idealismo pa ang mga ito, kulang sa eksperyensiya sa tao at madaling nabobola.

Nananalo palagi ang mga komunistang partylist sa eleksiyon dahil ginagamit umano nila ang net­work ng CPP para makakuha ng boto.

Ayon sa mga ulat, tinatakot daw ng NPA ang mga botante sa pro­binsiya na bumoto sa kandidato ng partylist kundi ay gagantihan sila.

Nakikipag-aregluhan din ang CPP-NPA sa mga lokal na opisyal na suportahan ang mga kan­didato nila sa partylist kapalit ng proteksiyon ng NPA.

Magaling sa propaganda ang mga komunista kaya nabobola nila ang publiko, lalo na ang media. Sa halip na tawaging “communist front” ang mga grupo tulad ng Gabriela at Kilusang Mayo Uno, ang tawag sa kanila ng media ay “militant”, “progressive” o “nationalist” na grupo.

Ang mga kongresista mula sa communist front na partylist ang siyang pinakamaiingay sa Kongreso. Pansinin ninyo, kapag may tumira sa polisiya ng pangulo o ng gobyerno, malamang ang nagsasalita laban dito ay komunista.

Ang mga madadaldal at mahilig magpainterbyu sa “clueless” na media natin ay ang mga partylist na kongresista tulad nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Kabataan Rep. Sarah Elago. Isipin ninyo, may lumabas pang litrato si Elago na kasama angNPA?

Kapag nakita ninyo ang headline sa diyaryo na “Solon against Martial Law in Mindanao” siguradong ang kongresistang ito ay miyembro ng partylist na nagtataguyod ng interes ng CPP-NPA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page