top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

"Sugal-lupa" nagkalat, buwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2018
1 min read

IBABALIK na sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

Simbolo ng tapang ng Waray!

◘◘◘

DUMAMI ang nawalan ng trabaho.

Kasama na rito ang mga isnatser at tulak!

◘◘◘

IPINABABALIK ng Sandiganbayan kay dating Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ang P124 milyong bahagi ng pork barrel.

Kailangang kumita ang kanyang mga pelikula!

◘◘◘

NAGKALAT ang “sugal-lupa” sa mga peryahan.

Kaawa-awa ang mga misis, hindi nakatatanggap ng entrega sa sugarol na mister!

◘◘◘

FRONT lang ang perya ng mga sugal na ang tumataya ay mga ordinaryong obrero.

Matagal na itong peste sa lipunan!

◘◘◘

BIGO ang PCSO na ipasarado ang mga perya.

Bakit?

◘◘◘

PESTE sa trapik ang mga peryahan.

Isinarado nito ang mga kalye na dinaraanan ng mga motorista.

◘◘◘

PALSIPIKADO lang ang MMDA sa pagresolba ng trapiko.

Kasi ang mga peryahan ay malinaw na abala sa trapiko.

Ang mga nagtitinda sa bangketa ay pinagsisipa at itinataboy pero, ang mga gambling lord ay kinukunsinte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page