Pulis binentahan | 4 BEBOT KULONG SA SHABU
APAT na babae na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang naaresto matapos magbenta ng shabu sa pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kahapon.
Kinilala ni Navotas Police Chief Sr. Supt. Ramchrisen Haveria ang mga naarestong suspek na sina Valora Adalla, 38; Archie Debuyan alyas Cheche, 25; Marilou Ocampo, 34, at Nenelyn Manlapaz, 39.
Alas-3:35 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSI Mark Flores ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Market 3, Bgy. NBBN.
Nagpanggap na poseur-buyer si PO1 Raymart Marcos na nagawang makapagtransaksiyon ng isang plastic sachet ng shabu sa mga suspek kapalit ng P400 marked money.
Matapos ang transaksiyon, agad sumalakay ang nakaantabay na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek at bukod sa nabiling shabu at buy-bust money, narekober din sa mga ito ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu.





Comments