Lolo tigok sa jeep
DEDO ang 63-anyos na lolo matapos mabangga ng pampasaherong jeep habang naglalakad sa Navotas City.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Magin Icaonapo Villafuerte ng Bgy. NBBN.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng public utility jeep (TXE 377) na si Virgilio Palmares, 61, ng Bgy. Bangkulasi.
Ayon kay Navotas Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdinand Balgoa, alas-6:25 ng umaga, naglalakad ang biktima sa tapat ng Global Gas Station sa M. Naval St., Bgy. NBBN nang mahagip ito ng pampasaherong jeep na nagmula sa gasolinahan na minamaneho ni Palmores.
Sa halip na tulungan ang biktima, pinaharurot umano ng driver ang kanyang sasakyan.
Gayunman, naaresto rin ito ng mga pulis sa kanyang bahay matapos maplakahan ng mga nakasaksi.





Comments