top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Laborer nilikida ng tandem

Pabs Hernandez III
Dec 9, 2018
1 min read

CAMARINES SUR—Isang laborer ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Lupi sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Mario delos Santos, residente ng nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, habang nagpapala ng buhangin si Delos Santos ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page