KAI SOTTO, NAMAYANI SA EAGLETS KONTRA UP SA UAAP JUNIORS
- BULGAR

- Dec 9, 2018
- 1 min read

NAITALA ni Kai Sotto ang halos kalahati ng naging produksiyon ng Ateneo de Manila sa kanilang 77-60 panalo kontra University of the Philippines kahapon sa UAAP Season ‘81 juniors’ basketball tournament sa Blue Eagle Gym.
Nagsalansan ang 7-foot-1 center ng career-high 36 puntos maliban sa 11 rebounds, 3 assists at 3 steals para sa Blue Eaglets.
Sa kabila nito, hiling pa rin ni coach Reggie Varilla ng patuloy na pag-angat sa laro ng kanilang team lalo na kay Sotto,na muntik na ring mag double digit sa kanyang ginawang 9 na turnovers.
“With Kai kasi, basketball is easy for him. Sa ngayon, ang hinahanap na namin is yung continuous improvement every game. He played well, but I think, same with the team, they could all play better,” pahayag ni Varilla.
Dahil sa panalo, umangat ang Blue Eaglets sa markang 4-1, panalo-talo.
Nanguna si Ralph Labao para sa Junior Maroons na nanatiling walang panalo sa loob ng limang laro sa itinala nyang 22 puntos, 3 rebounds at 2 assists. Nauna rito, sinorpresa ng De La Salle-Zobel, 67-62 ang Far Eastern University-Diliman. (VA)




Comments