ISA ANG DIDIKIT SA TITULO O MAY DESPERADONG MANALO SA GAME 3?

DALAWA na at dalawa pa! Komportableng lamang ng 2-0 sa best-of-seven series, sisikapin ng Magnolia Hotshots na alisin ang isa sa dalawang natitirang balakid tungo sa trono bilang bagong 2018 Governor’s Cup champion kontra Alaska Aces mamayang gabi sa muling pagbabalik sa Ynares Center sa Antipolo City.
Sasagupain ng Hotshots ang Aces ng 6:30 p.m. at determinado manalo uli para isang hakbang na lang ang kukunin tungo sa korona na bigong maipagtanggol ng sister team Barangay Ginebra na kanilang dinispatsa sa best-of-five semis at mapasama sa elite “club of champions” sa pang-anim na paglalaro sa Ynares Center sa Governor’s Cup.
“Our ultimate goal is to win. We will stay focus and play as a team. We will consolidate all our efforts to win and move closer to the title,” sabi ni coach Chito Victolero matapos talunin muli ang Alaska para sa 2-0 lead sa best-of-seven title series.
Sinabi ni Victolero na gagamitin nila ang momentum na mula sa dalawang sunod na panalo para maagang matapos ang serye at makapagpahinga at mailaan ang nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. “The momentum is on our side. We will utilize all the advantages to full use to win to inch closer to the crown,” wika ni Victolero.
Desperado si coach Alex Compton at ang kanyang mga bata na makabawi at pahabain pa ang serye para buhayin ang ambisyong maibalik ang koronang matagal nang nawala sa Aces matapos lisanin ni coach Tim Cone ang team ng kanyang bosom buddy team owner Wilfred Steven Uytengsu.
Sa kabila nang alanganin ang kalagayan, 0-2, hindi pa rin nasisiraan nang loob si Compton at kumpiyansa siyang makababalik sila at gantihan ang Hotshots. “Down but not out,” sabi ni Compton “We are unfazed by the two successive setbacks. We will bounce back. We badly needed this game. We cannot afford to lose and we will do everything to win at all cost,” ani Compton. “We studied thoroughly and closely analyzed and find out what departments we failed,” sambit ni Compton.
Kaillangang dumoble kayod ni Romeo Travis sa laro dahil nakasalalay sa kanya ang tagumpay ng Magnolia at dapat siyang maghanda dahil tiyak babawi ang Alaska.
Tumipa ang kababata ni NBA superstar sa Ohio game high 24 points at tinalo niya si Mike Harris sa kanilang personal duel. Nakahandang umalalay kay Travis sina Paul Lee, Andy Mark Barroca, Jio Jalalon, Ian Sangalang, Justine Melton, Rafi Reavis, Rome de la Rosa, Rafi Reavis at Peter June Simon.
Pangungunahan ni Mike Harris ang scoring offensive at hahadlangan si Travis sa pamamagitan ng solid rock defense. Katuwang ni Harris sina Chris Banchero, JV Casio, Vic Manuel, Simon Enciso, Chris Exciminiano, Jeron Teng, Sonny Thoss, Carl Bryan Cruz at Nonoy Baclao.





Comments