top of page
Pokwang.jpg

HANGGANG NGAYON Ni: Aling Toyang

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2018
1 min read

Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nasa aking isip,

maging sa panaginip ay hindi naiinip.

Nang ikaw ay muli kong nakita, tumibok ang puso ko at nawalan ng pangamba.

Hanggang ngayon ay itinatanong sa aking sarili,

saan nagkulang at ako’y iniwan nang mag-isa?

Habambuhay, panghahawakan ko pa rin na ikaw ang para sa akin.

Hanggang ngayon hindi ko makita ang mali,

Kung bakit ako nagdurusa.

Nililinlang mo lang ba?

O sadyang ayaw mo na talaga?

Hanggang ngayon ay ma-sakit pa rin dahil ang akala kong para sa akin ay napunta

Sa iba na matagal ko nang kahati.

Ang aking nakababatang kapatid.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page