top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

GF, dudang may iba | LALAKI NAGBIGTI

mylene alfonso
Dec 9, 2018
1 min read

NATULUYAN ang pagpa­pakamatay ng 22-anyos na lalaki sa ikalawang pagkakataon makaraang magduda na may ibang karelasyon ang kanyang nobya, kamakalawa ng umaga sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Robert Villena, resi­dente ng Jose Abad Santos Ave., Tondo, Manila.

Batay sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista, alas-11:00 ng umaga nang matuklasan ng kanyang kapatid na si David ang ginawang pagpapaka­matay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Ayon kay David, Nobyembre 30 nang magtangka ring magbigti ang kapatid na napigilan lamang nang may maka­kita.

Dumaranas umano ng depresyon ang biktima dahil sa naghihinala ito na may ibang karelasyon ang kanyang kasintahan.

Tumanggi naman ang ama ng biktima na paimbestigahan ang pagpapakamatay ng anak sa paniniwalang wala namang naganap na foul play sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page