top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ayon sa mga eksperto...PAMBU-BULLY, PRONE SA STROKE!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2018
1 min read

ALAM ng kara­mihan na ang pam­bu-bully ay may­roong hindi ma­gandang epekto sa bawat indi­bidu­wal. Ngunit, ayon sa mga eksperto, pu­wede rin itong mag­dulot ng sakit sa puso at stroke. Hala!

Isang pag-aaral ang isinagawa sa 79,000 em­pleyado na nasa edad 19 hanggang 65 na walang history ng sakit sa puso. Inobserbahan ito ng mga re­searcher sa loob ng la­bindalawang taon kung saan 9% sa kanila ay na­pag-alamang na-bully, 13% ay exposed sa vio­lence.

Matapos ang labin­da­lawang taong pag-aaral, napag-alaman ng mga researcher na 3,229 ka­lahok ang na-diagnosed na mayroon nang heart di­sease at naospital ma­tapos makaranas ng atake sa puso at stroke.

Ang mga kalahok na na-bully ay mayroong 59% tsansa na ma-diag­nosed ng sakit sa puso kumpara sa mga hindi na­karanas ng pambu-bully.

Samantala, ang mga exposed sa violence ay mayroong 25% tsansa na ma-develop ang nasabing sakit.

Dagdag pa ng mga eksperto, ang pambu­bully at violence ay maaari ring magdulot ng mood disorder tulad ng anxiety at depresyon.

Ang mga ito ay pu­wedeng maging dahilan upang gumawa ang in­dibiduwal ng unhealthy habits tulad ng panini­ga­rilyo, stress-eating at pag­lalasing, gayundin ang ma­taas na lebel ng stress ay maaaring magdulot ng high blood pressure na may tsansa ng pagka­ka­roon ng sakit sa puso.

Kaya ang payo ng mga eksperto, maging ma­buti sa isa’t isa nang sa gayun ay maiwasang makapagdulot ng ma­sama sa psychological at physical health ng bawat isa.

Oh, ayan, mga bro at sis, alam n‘yo na ang da­pat gawin para hindi ma­kapanakit.

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page