5 sasakyan nagkarambola, 4 nadale
- mylene alfonso
- Dec 9, 2018
- 1 min read

PATAY ang tricycle driver habang sugatan ang tatlo pang tricycle drivers sa naganap na karambola ng mga sasakyan sa Tondo, Manila.
Kinilala ang namatay na si Felix Patilagan, ng Navotas City habang ginagamot sa Tondo Medical Center sina Rafael Santos, 32; Sherwin Caguco, 16; Simplicio Elcalma, 14, at Norbeto Trogon, 63.
Nahaharap naman sa kaukulang kaso si Michael Russel Lopez, 25.
Ayon kay P/Sr.Insp. Jaime Gonzales, alas-5:30 ng madaling-araw nang maganap ang karambola sa Honorio Lopez corner San Rafael St., Balut, Tondo.
Una rito, nabangga umano ng Toyota Vios na minamaneho ni Lopez ang tricycle na minamaneho naman ni Patilagan hanggang sa magkarambola sa iba pang tricycle at madamay ang Honda Click at ang tatlong tricycles.
Agad isinugod sa nasabing pagamutan ang mga biktima subalit, hindi na umabot nang buhay si Patilagan.





Comments