top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

2 karnaper utas sa pulis

Jeff Tumbado
Dec 9, 2018
1 min read

DALAWA umanong kilabot sa pangangarnap ang napatay makaraang ma­kipagbarilan sa mga awto­ridad sa Bgy. U.P Campus, Diliman, Quezon City, ka­hapon ng madaling-araw.

Sa report na isinumite kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr., mas pinili umanong manla­ban ng dalawang hindi pa kilalang suspek sa pinagsa­mang operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group; Anti-Carnapping Unit at Highway Patrol Group-National Capital Re­gion kaya napaslang ang mga ito.

Ala-1:15 ng madaling-araw, sakay ng kanyang mo­torsiklo ang biktimang si Jeremy James Capucheno, 36, nang harangin, tutukan ng baril at puwersahang ta­ngayin ng apat na kalalaki­han ang sasakyan ng una sa kahabaan ng Aurora Boule­vard.

Sa takot ng biktima, bu­maba siya sa kanyang mo­torsiklo at ibinigay ang kan­yang sasakyan sa mga sus­pek.

Dito na nagsumbong ang biktima sa pulisya na agad namang nagsagawa ng dragnet operation hang­gang sa makorner at ma­patay sa eng­kuwentro ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page