top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Street sweeper inararo ng bus, todas

Mylene Alfonso
Dec 8, 2018
1 min read

PATAY ang isang street sweeper ng Manila City Hall matapos mabangga at ma­sagasaan ng bus, ka­hapon ng umaga sa Ermita, Manila.

Kinilala ang biktima na si Jonnifer Basabe, 48, na­katalaga sa Department of Public Safety, residente ng Bgy. Addition Hills, Manda­luyong City.

Sasampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na si Rico Balugo, 40, driver ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at residente ng Las Piñas City.

Batay sa imbestigasyon ng Vehicle Traffic Investiga­tion Section ng MPD, alas-6:30 ng umaga nang maga­nap ang insidente sa United Nations Ave., kanto ng San Marcelino St., Ermita.

Ayon sa testigong si Ri­chard Torres, kasamahan ng biktima, naglilinis sila ng kal­sada at patawid sana sa Uni­ted Nations Avenue, tulak-tulak ang kariton ng basura nang bigla itong mabangga at masagasaan ng Hino Bus (SAA 6422) na minamaneho ng suspek.

Pumailalim umano ang biktima sa hulihang gu­long ng bus na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek upang panagutan ang pangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page