Pulis niratrat ng riding-in-tandem, utas
TODAS ang isang pulis-Maynila matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng hapon sa Tondo, Manila.
Ayon kay MPD Director PC/Supt. Vicente Danao, Jr., pinabeberipika pa kung ano ang motibo sa pagpaslang kay PO3 Rodrigo Asuan, Jr., 39, residente ng Tondo.
Gayunman, nag-absent without official leave (AWOL) umano sa serbisyo si Asuan kaya ito na-dismiss sa tungkulin.
Batay sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motorsiklo si Asuan patungong Blumentritt Market upang bumili ng itlog para sa kanyang sari-sari store, alas-3:30 ng hapon.
Pagsapit sa Younger St., malapit sa kanto ng Rodriguez St., nilapitan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo si Asuan saka ito pinagbabaril bago nagsitakas.





Comments