Pamilya pinasok sa bahay, pera at alahas tinangay | ‘NBI AGENTS’ NA KAWATAN, GUMAGALA
- Janice Baricuatro
- Dec 8, 2018
- 1 min read

NAGBABALA ang kapulisan sa publiko tungkol sa bagong modus ng mga magnanakaw kung saan nagpapanggap na NBI agents ang mga kawatan na lumulusob sa target na bahay.
Huling nabiktima ang Pamilya Custodio ng Bgy. 27, Caridad, Cavite City kung saan alas-5:50 ng umaga kamakalawa nang dalawang lalaki ang kumatok sa kanilang bahay.
Nasa loob umano ng bahay ang mga biktimang sina Sonia Custodio, Lourdes Custodio at ang batang si Angelo nang looban sila ng dalawang lalaking nagpanggap na NBI agents at kapwa nakasuot ng t-shirt na may nakasulat na NBI.
Tumagal umano ng 16 na oras silang binihag ng mga suspek at sinamsam ang mga alahas at hindi matiyak na halaga ng pera bago umalis bandang alas-10:00 ng gabi.
Patuloy na ang follow-up operation ng pulisya sa insidente.





Comments