top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pag-angat sa kapakanan ng mga guro, pagtuunan ng pansin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2018
2 min read

KAMAKAILAN, sa ginanap na delibe­ras­yon para sa budget ng Commission on Higher Education, iginiit natin ang alokasyon ng halagang P2.9 bilyon para sa naturang ahensiya.

Ito ay para mapondohan ang job promotion ng mga guro at faculty member sa state uni­versities and colleges (SUCs) sa buong bansa.

Dahil nagawang libre ng gobyerno ang mat­rikula sa mga pampublikong kolehiyo, panahon na para pagtuunan na ng pansin ang pag-angat sa kapakanan ng mga guro.

Pinakamainam na pabuya para sa masisipag at matitiyagang SUC teachers ang kanilang promosyon.

Sa ganitong paraan, tiyak na mas magiging epektibo ang kanilang pagtuturo at mas mapa­uunlad ang antas ng edukasyon sa public higher education.

Sa pamamagitan ng nasabing pondo, ma­ipatutupad ang layunin ng National Budget Circular (NBC) 461, ang sistema na masusing bumubusisi sa promosyon ng SUC faculty members. Ang pondo nito, 2017 pa dapat naipalabas nang buo, pero pansamantalang ipinatigil alinsunod sa moratorium na ipinatupad ng DBM.

Ang nakalulungkot, kung inaakala nating mapopondohan na ito ngayon, posibleng may problema pa rin dahil hindi pa ito kasali sa P3.757 trilyong panukalang pondo na isinumite ng gobyerno sa Kongreso.

Kung tutuusin, dapat noon pa ipinatupad ang benepisyong ito. Dapat hindi natin pinag­hihintay ang ating kaawa-awang mga guro sa public schools.

Kung karapat-dapat sila sa promosyon, bakit kailangan pa natin itong ipagdamot sa kanila? Sa kasalukuyan, 35,000 faculty members ang tiyak na makikinabang sa NBC 461.

◘◘◘

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang rekomendasyon ng kanyang econo­mic managers na ituloy ang ikalawang bugso ng oil excise tax sa Enero nang susunod na taon.

Nabigla ba tayo rito? Hindi. Unang-una, malaki ang tiwala ng pangulo sa kanyang eco­nomic managers.

Para sa kanya, sila ang mas nakaaalam sa galaw at ikot ng ating ekonomiya. Pangalawa, nag-ugat ang rekomendasyon sa walong ulit na sunud-sunod na oil price rollback.

Ang concern lang natin – dahil mukhang wala nang makapipigil sa second tranche ng oil excise tax, sana kumilos na rin ang adminis­trasyon at siguruhing may kaukulan silang aksiyon para sa kapakanan ng mahihirap na pamilyang Pilipino.

Tiyak na lubhang apektado rito ang halaga ng mga pangunahing bilihin kaya kawawa ang mga kababayan nating kakarampot lang ang inaasahang budget sa pamilya.

Isinasaad sa batas ang karagdagang uncon­ditional cash transfer para sa low-income ear­ners na nagkakahalagang P2, 400 para sa 2018, P3, 600 para sa 2019 at 2020. Ang Pan­tawid Pasada ay fuel vou­chers para sa mga kaba­ba­yan na­ting jeepney driver.

Ang fuel subsidy ay para mapagaan ang oil excise tax. Ang ikinababahala natin, hindi pa naipatutupad nang maayos ang social mitiga­ting measures na ito kahit malinaw na nakasaad sa batas.

Nabatid nating 2 milyon sa kabuuang 10 milyong benepisaryo ay hindi pa rin naka­ta­tanggap ng UCT.

Gayunman, sa Pantawid Pasada, 37 porsi­yento lang ng 160,000 franchise holders ang nabigyan ng fuel subsidy.

Sana, ma-realize ng opisyales natin na kung may ipatutupad silang aksiyon na makabibigat sa pamumuhay ng mga Pinoy, bumuo muna sila ng mga hakbang na magpapagaan dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page